^

Metro

Pamangkin ng solon nagwala sa session hall ng San Juan

-
Nagwala sa loob ng session hall ng munisipyo ng San Juan ang isang dating konsehal habang nasa kainitan ng sesyon, kahapon ng tanghali sa nasabing bayan.

Si ex-Councilor Manolo Zamora, pamangkin ni Cong. Ronny Zamora at asawa naman ni incumbent Councilor Frannie Zamora ay sumugod sa session hall kasama ang limang armadong bodyguard na nakasuot lang ng short at t-shirt upang komprontahin si Konsehal Clemente Bargas dahil sa umano’y pag-ipit nito sa pinapipirmahang ‘barangay administrative case’.

Maging ang bise-alkalde ng bayan na si Boy Celles ay hindi rin nakaligtas sa galit ng dating konsehal at kung anu-ano ang pinagsasabi laban dito.

Nabatid na dakong alas-12 ng tanghali ng bulabugin ni Zamora ang kainitan ng sesyon at pagmumurahin ang mga konsehal sa pag-aakalang pinagkakaisahan ng mga ito ang kanyang asawa.

Matapos ito ay galit ding sumugod sa tanggapan ni San Juan Mayor Joseph Victor Ejercito ang nasabing dating konsehal kasama ang dalawang armadong bodyguard subalit imbes na kampihan siya ng alkalde ay pinagsabihan pa siya nito dahil sa kanyang inasal.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ng iba pang konsehal kung anong kaso ang puwede nilang isampa kay Zamora. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BOY CELLES

COUNCILOR FRANNIE ZAMORA

COUNCILOR MANOLO ZAMORA

EDWIN BALASA

KONSEHAL

KONSEHAL CLEMENTE BARGAS

RONNY ZAMORA

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR JOSEPH VICTOR EJERCITO

ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with