^

Metro

Tsinay ginilitan ang sarili

-
Palaisipan ngayon sa mga imbestigador ng WPD-Homicide Division kung sadyang nagpakamatay ang isang 40-anyos na Tsinay na natagpuang patay makaraang gilitan ang sarili, kahapon ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Grace Go, dalaga at residente ng Room 502 GSK Bldg., Caballeros St. Binondo.

Sa ulat ni Detective Loreto Quejada, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang kapatid na si Eleonor dakong alas-3 ng madaling araw sa loob ng banyo ng kuwarto nito.

Ayon sa imbestigasyon, nabatid na kagagaling pa ng biktima sa kanyang regular check-up sa isang psychiatrist at pagdating ng bahay ay nagkulong na ito sa kanyang kuwarto.

Madaling araw na nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng banyo.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng SOCO, nadiskubre na isang malalim na sugat o hiwa sa leeg ang sanhi ng kamatayan nito. Narekober sa tabi nito ang patalim na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na ipasailalim sa awtopsiya si Go dahil sa naniniwala sila na sadya itong nagpakamatay at walang naganap na foul play.

Subalit duda rito ang pulisya dahil sa kakaiba ang ginawang pagpapakamatay nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BINONDO

CABALLEROS ST. BINONDO

DANILO GARCIA

DETECTIVE LORETO QUEJADA

ELEONOR

GRACE GO

HOMICIDE DIVISION

MADALING

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with