^

Metro

Maritime industry nanganganib na lumubog

-
Nangangamba ang Maritime School sa Pilipinas na tuluyang bumagsak ang Maritime industry hangga’t hindi nalilinis ng pamahalaan ang pagkalat ng negatibong impormasyon laban sa mga training schools sa bansa.

Ito’y bunga na rin ng pagpapalabas ng maling impormasyon ng isang nagpakilalang Bjorn Ugsted, umano’y secretary general ng European Unions Association of Shipping, Owners, Operators and Managers.

Ayon sa ilang training school,paninira ang ipinalabas na ulat ni Ugsted na walang kakayahang magserbisyo bilang mga seaman sa barko ng Norwegian at sa mga miyembro ng European Unions ang mga nagtapos sa mga training school sa bansa.

Sa kabila nito, naniniwala ang mga training school na black propaganda lamang ang kumalat na impormasyon dahil walang sumasagot sa tanggapan nito nang tangkaing kumpirmahin ang ulat.

Kasabay nito, itinanggi naman ni Trine Hagen, Maritime Affairs Officer ng Norwegian Maritime na may kilala silang Bjorn Ugsted.

Hihilingin ng grupo sa National Bureau Investigation na ipasuri ang katotohanan ng nasabing impormasyon. (Doris Franche)

BJORN UGSTED

DORIS FRANCHE

EUROPEAN UNIONS

EUROPEAN UNIONS ASSOCIATION OF SHIPPING

MARITIME AFFAIRS OFFICER

MARITIME SCHOOL

NATIONAL BUREAU INVESTIGATION

NORWEGIAN MARITIME

OPERATORS AND MANAGERS

TRINE HAGEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with