^

Metro

Kontraktor tinanggal sa P7-B project

-
Tinanggal ng Land Registration Administration (LRA) bilang contractor ang Land Registration System Inc. (LARES) matapos na mabigo ang mga ito na ipatupad ang P7 bilyong kontrata kaugnay ng computerization ng pagbibigay ng titulo ng lupa.

Ayon kay LRA Administrator Benedicto Ulep, pinadalhan na ng LRA ng final notice of termination si Cezar Quiambao, hepe ng LARES bunga ng pagkabigo na isulong ang nasabing proyekto sa ilalim ng napagkasunduang Build-Operate-Own (BOO) contract noong Mayo 26, 2000.

Nabatid na may nakuha din umanong P4 bilyon kontrata si Quiambao para naman sa modernisasyon ng proseso sa passport subalit hanggang sa ngayon ay hindi rin ito operational. Ito sana ang paraang gagamitin upang maiwasan ang pamemeke ng mga dokumento at para sa anti-terrorism security.

Sinabi naman ng isang source na malaki umanong kahihiyan sa bansa na hindi naipatutupad ang dalawang malaking proyekto na hawak ni Quiambao lalo pa’t sangkot dito ang pangunahing dokumento ng bawat Filipino na nais na magtungo sa ibang bansa.

Sa naturang notice of termination noong Marso 7, 2005, sinabi ni Ulep na binigyan nila ng sapat na panahon si Quiambao upang ipaliwanag ang dahilan ng kanilang pagkabigong maisagawa ang kontrata subalit wala naman umano silang natanggap na sagot mula dito.

Hinikayat naman ng mga tauhan ng LRA ang kanilang mga opisyal na manindigan sa kanilang desisyon sa posibilidad na ma-pressure ang mga ito upang muling bigyan ng isa pang pagkakataon si Quiambao. (Doris Franche)

ADMINISTRATOR BENEDICTO ULEP

AYON

BUILD-OPERATE-OWN

CEZAR QUIAMBAO

DORIS FRANCHE

HINIKAYAT

LAND REGISTRATION ADMINISTRATION

LAND REGISTRATION SYSTEM INC

QUIAMBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with