^

Metro

P10-M pirated VCD, DVD nasamsam

-
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng mga pirated VCD at DVD na nasamsam at dinurog nina Manila Mayor Lito Atienza Jr. at Optical Media Board (OMB) chairman Edu Manzano, kahapon ng umaga sa Andres Bonifacio Shrine, Manila.

Dakong alas-10 ng umaga ng pangunahan nina Atienza, Manzano at NCRPO chief Avelino Razon ang pagdurog sa may limang truck ng mga pirated VCD na boluntaryong isinurender ng mga negosyante sa lugar lamang ng Quiapo.

Ayon kay Atienza nasa tamang oras lamang ang pagsusurender ng mga pirated VCD, ito ay isang araw bago ipatupad ang Optical Media Act of 2003 ngayong araw na ito.

Sa ilalim ng naturang regulasyon, mayroon ng moratorium ang OMB upang kumpiskahin ang mga pirated VCD’s at hindi na ito isang opsyunal sa mga susunod na araw. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia at Danilo Garcia)

ANDRES BONIFACIO SHRINE

ATIENZA

AVELINO RAZON

AYON

DANILO GARCIA

EDU MANZANO

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA JR.

OPTICAL MEDIA ACT

OPTICAL MEDIA BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with