^

Metro

Pulisya kinalampag sa kidnapping sa Maynila

-
Nanawagan ngayon sa pamunuan ng WPD at kay Manila Mayor Lito Atienza ang pamunuan ng student council ng San Beda College upang aksiyunan ang may limang buwan nang pagkawala ng isa nilang estudyante na dinukot noon pang nakaraang taon sa may Paco Park, Paco, Maynila.

Sa liham na ipinadala ni Robert de Guzman, pangulo ng San Beda Student Council, hiniling nito kay Atienza at WPD na magsagawa ng kaukulang aksyon upang mahanap ang biktimang si Rosendo Herrera Jr., junior management student sa naturang kolehiyo.

Binanggit nito na dinukot si Herrera noong Oktubre 28, 2004 ng mga hindi nakikilalang suspect habang namamasyal sa may Paco Park, Paco, Maynila. Mula noon ay hindi na ito nakauwi pa.

Nakatakda ring magsagawa ng prayer vigil ang mga estudyante ng San Beda sa Mendiola Bridge sa Marso 14 para sa kaligtasan ng mga kidnap victim sa Maynila.

Nangangamba na rin ang pamilya ng biktima lalo na ang ina nitong si Armi Alba na may masamang nangyari sa anak at dahil sa kawalang aksyon ng mga awtoridad.

Samantala, isa pang Fil-Chinese trader na nakilalang si Loling Liai Cantor, 50, ng Binondo, Maynila ang iniulat ding dinukot may 13 araw na ang nakakalipas.

Kagagaling lang umano ng Cebu ng biktima nang kidnapin ito. Sampung milyon pisong ransom ang paunang hinihingi ng mga suspect.

Pangalawang ulit na nitong kinidnap si Cantor at pinaniniwalaang ang mga dating kidnapper ang dumukot muli sa kanya ngayon. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMI ALBA

DANILO GARCIA

LOLING LIAI CANTOR

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

MENDIOLA BRIDGE

PACO PARK

ROSENDO HERRERA JR.

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with