^

Metro

Holdaper itinumba ng kasamahan

-
Pinaniniwalaang sadyang pinaslang ang isang holdaper ng isa niyang kasamahan upang masolo ang perang kanilang nakulimbat sa kanilang biniktima, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din dahil sa isang tama ng bala sa kanyang batok ang holdaper na nakilalang si Baltazar Augana, 25, ng Imus, Cavite.

Nakatakas naman ang hindi nakikilalang kasamahan at killer ni Augana bitbit ang bag na kanilang nakulimbat at ang baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Nicolas Zamora St., Tondo. Nabatid na naghihintay sa may bangketa ang biktimang si Leonida Dacaymat, 44, vendor sa kanyang mga panindang gulay nang biglang lapitan ni Augana.

Idineklara ang holdap at saka sapilitang inagaw ang bag sa biktima. Nang maagaw ang pakay ay mabilis itong tumakbo papalayo kung saan isa pang lalaki ang sumunod dito. Ayon sa mga saksi, nakita nilang naglabas ng baril ang kasama ng suspect at tinutukan si Augana sa likuran saka pinaputukan.

Kinuha nito ang bag ng nakulimbat at saka mabilis na tumakas. Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng kasamahan din ni Augana ang pumaslang sa kanya sa paghahangad na solohin ang kanilang kinita. (Ulat ni Danilo Garcia)

AUGANA

AYON

BALTAZAR AUGANA

CAVITE

DANILO GARCIA

IDINEKLARA

KINUHA

LEONIDA DACAYMAT

MALAKI

NICOLAS ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with