^

Metro

Ex-Mayor Olivares ipinaaaresto

-
Pinaaaresto ng korte si dating Parañaque Mayor Pablo Olivares matapos na apat na beses nitong hindi siputin ang kanyang arraignment hinggil sa kasong election fraud na kanyang kinakaharap noong nakaraang halalan.

Ayon kay Atty. Antonio Ante, abogado ni Olivares na hindi pa umano pinal at executory ang arrest warrant laban sa kanyang kliyente dahil mayroon pa silang limang araw para magsumite ng motion for reconsideration sa sala ni Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng Branch 272.

Sinabi ni Ante na hindi sinadya na hindi siputin ni Olivares ang korte kaya lang ay inatake ito ng nerbiyos dahil sa sunud-sunod na ‘death threats’ na natanggap sa telepono mula sa hindi nagpakilalang caller sa bahay nito.

Hindi rin kumuha ng police security escort ang dating alkalde dahil wala aniya itong tiwala sa mga pulis ng Parañaque.

Nauna rito, nabatid na nag-file si Olivares ng transfer of venue sa pagdinig sa kaso nito sa Supreme Court dahil naniniwala umano ito na namamanipula at maiimpluwensiyahan ng mga nakaupong nanunungkulan ang kanyang kaso.

Inirekomenda ng hukuman ang pagbabayad ni Olivares ng halagang P5,000 para sa pansamantala nitong kalayaan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTONIO ANTE

AYON

INIREKOMENDA

JUDGE FORTUNITO MADRONA

LORDETH BONILLA

MAYOR PABLO OLIVARES

NAUNA

OLIVARES

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with