Pagdinig sa kaso ni Roldan pinatitigil
March 9, 2005 | 12:00am
Hiniling kahapon sa Pasig City Regional Trial Court ng abogado ni dating Congressman at aktor na si Dennis Roldan ang pagsuspinde sa pagdinig ng kasong kidnapping na kinakaharap nito.
Nagpasa ng motion to suspend proceedings si Atty. Siegfred Fortun, legal counsel ni Roldan sa sala ni Pasig RTC Judge Agnes Carpio ng Branch 261 kung saan bumagsak ang kaso ng aktor.
Batay sa mosyon na isinampa ni Fortun sinabi nito na hindi dumaan sa preliminary investigation sa DOJ ang kanyang kliyente upang malaman kung may sapat na ebidensiya para sampahan ito ng kaso.
Ipinaliwanag ni Fortun na isang certificate para sa waiver lamang ang nilagdaan ni Roldan noong si Atty. Salvador Panelo pa ang abugado nito na naging daan upang masampahan siya ng kasong kidnapping.
Hiniling din ni Fortun ang to hold in abeyance the determination of probable cause for the issuance of warrants of arrest para sa iba pang mga kasangkot sa nabanggit na kaso.
Si Roldan at pito pang kasamahan nito ay sangkot sa pagkidnap sa batang si Kenshi Yu, 3 sa Ortigas sa Pasig City noong nakalipas na Pebrero 9. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest