^

Metro

10 pang bomber ng ASG nasa Metro

-
Hindi pa ligtas sa banta ng terorismo ang Metro Manila hangga’t hindi nadarakip ang sampu pang bomb expert ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na posibleng maghasik pa ng pambobomba.

Dahil dito, sinabi ni AFP-National Capital Region Command (NCRC) chief Lt. Gen. Alan Cabalquinto na puspusan ang kanilang isinasagawang operasyon upang maaresto ang nasabing bilang ng mga ASG bombers.

Kabilang sa mga ginagawang hakbang ng AFP-NCRC ay ang mahigpit na pagtugaygay sa mga tinaguriang ‘sleeper cells’ ng ASG sa Maharlika Village sa Taguig City at Culiat District sa Quezon City.

Nakadepende umano ang mga terorista sa kanilang ‘sleeper cells’ na naglie-low lamang matapos na masakote ang kanilang mga kasamahang bombers at posible aniyang tumitiyempo lamang ang mga ito.

Ang supplier ng eksplosibo na ginamit sa Valentine’s Day bombing sa Makati City na si Gappal Bannah, alyas Boy Negro ay nagtago sa Maharlika Village, gayundin si Rahib Buday na sangkot naman sa bomb attack sa Cinema 6 ng SM Megamall noong Mayo 21, 2000.

Ayon pa kay Cabalquinto, isinagawa ng ASG ang pag-atake upang ilihis ang atensyon ng militar sa isinasagawang opensiba laban sa mga renegades ng MNLF sa Mindanao.

Posible rin umanong magbago ng modus-operandi ang mga teroristang grupo kaya’t kinakailangang maging vigilante hindi lamang ang mga awtoridad kundi maging ang publiko. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ALAN CABALQUINTO

BOY NEGRO

CULIAT DISTRICT

GAPPAL BANNAH

JOY CANTOS

MAHARLIKA VILLAGE

MAKATI CITY

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with