^

Metro

MILF member ang nahuling bomber

-
Isang lehitimong kasapi sa Moro Islamic Liberation Front-Special Operations Group (MILF-SOG) at hindi mula sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nahuling bomb expert na sangkot sa pagpapasabog sa Cinema 6 ng SM Megamall sa Mandaluyong noong nakalipas na Mayo 2000.

Ito ang ibinulgar ng militar kahapon matapos na iharap sa mediamen ang nasakoteng bomber na nakilalang si Rahib Buday, alyas Omar/ Randy.

Kasabay nito, nilinaw ni AFP-CRS chief Brig. Gen. Jose Angel Honrado na hindi makakaapekto sa isinusulong na peace talks ng gobyerno ang pagkakasakote kay Buday dahilan sa hindi naman saklaw ng liderato ng MILF ang pagkakasangkot nito sa pambobomba sa sinehan na ikinasawi ng isa katao, habang marami pa ang nasugatan.

Una rito, si Buday ay napaulat na kabilang sa ASG bomb expert na nagpasabog sa SM Megamall habang patuloy namang bineberepika ang posibilidad na may kinalaman din ito sa pambobomba sa isang bus sa Makati City noong Valentine’s Day.

Si Buday ay nasakote ng mga operatiba ng ISAFP at Army’s 40th Infantry Battalion sa Brgy. Layug, Pagalungan, Magindanao noong Marso 4.

Sinabi pa nito na kaya nila isinagawa ang pambobomba ay upang ipakita na hindi kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon ng peace and order sa bansa at upang itaboy ang mga dayuhang investors. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BUDAY

INFANTRY BATTALION

JOSE ANGEL HONRADO

JOY CANTOS

MAKATI CITY

MEGAMALL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT-SPECIAL OPERATIONS GROUP

RAHIB BUDAY

SI BUDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with