Muslim leaders nanawagan ng ceasefire sa Mindanao
March 8, 2005 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang mga lider ng ibat ibang Muslim Center sa Metro Manila kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na magpatupad agad ng tigil-putukan sa Mindanao at pag-aralang mabuti ang iba pang taktika upang masupil ang mga rebelde sa naturang rehiyon.
Ayon kay Datu Amerol Gulam Ambiong, chairman ng Metro Manila Muslim Peace and Order Coordinating Council, kailangang maitigil agad ang nagaganap na bakbakan sa pagitan ng AFP at mga rebeldeng Muslim upang mapigilan ang pagtaas ng mga nasasawing mga sundalo at mga inosenteng sibilyan.
Nanawagan din ito kay Nur Misuari, chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) na iutos na sa kanyang mga tagasunod na tumigil na sa pakikidigma.
Sinabi ni Ambiong na hindi solusyon ang karahasan sa problema ng mga Muslim sa Mindanao at mas nararapat na isipin ng pamahalaan kung paano lutasin ang problema ng Mindanao sa kahirapan na siyang dahilan nang pag-aaklas. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended