^

Metro

Kaso ni Dennis Roldan nai-raffle na

-
Nai-raffle na kahapon ng hapon sa Pasig Regional Trial Court ang kasong kidnap for ransom laban kay dating Congressman at aktor na si Dennis Roldan.

Ang kasong kidnapping kay Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay ay didinggin sa sala ni Judge Agnes Carpio ng Pasig RTC Branch 261, isang family court.

Subalit sa kasalukuyan ay hindi pa rin alam kung kailan ang unang pagdinig ng nasabing kaso dahil sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ng nasabing judge ang information at charge sheet.

Matatandaang sinampahan ng kasong kidnapping si Roldan sa prosecutors office ng Pasig RTC dahil sa pagkidnap sa 3-anyos na si Kenchi Yu noong nakalipas na Pebrero 9.

Nadakip si Roldan kasama ang iba pang suspect noong Pebrero 20 sa kanilang safehouse sa Harvard St., Cubao, Quezon City.

Wala namang piyansang inilaan ang korte sa pansamantalang kalayaan ni Roldan. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

DENNIS ROLDAN

EDWIN BALASA

HARVARD ST.

JUDGE AGNES CARPIO

KENCHI YU

MITCHELL GUMABAO

PASIG

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

PEBRERO

QUEZON CITY

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with