^

Metro

Lalaki kritikal sa mister ng kalaguyo

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang lalaki matapos na saksakin ng asawa ng umano’y kalaguyo nito kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ginagamot ngayon sa JP Sioson Hospital ang biktimang si Michael Gonzales, 26, ng 1320 Nehemiah St. Jordan Plains Subdivision, Novaliches dahil sa tinamong saksak sa ibabang bahagi ng kaliwang kilikili.

Nakapiit ngayon sa CPD-Baler Police Station ang suspect na si Emeterio Rellosa, 28, cellphone technician at naninirahan sa Building 7, Unit 32, Pag-asa Bliss, Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Ayon kay Supt. Raul Petrasanta, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa bahay mismo ng suspect nang makita nito na sinasaktan ng biktima ang asawang si Cherrynette, 25.

Sinabi ng suspect na nagdilim ang kanyang paningin kung kaya’t agad niyang sinaksak si Gonzales.

Idinagdag pa nito na matagal na siyang nakakarinig ng usapan na mayroong ibang lalaki ang kanyang asawa subalit hindi niya ito pinaniniwalaan alang-alang na rin sa kanilang tatlong anak.

Hindi umano niya inaasahan makikita sa loob pa mismo ng kanyang bahay ang asawa at biktima kung kaya’t nagawa niya ang krimen.

Nakatakda namang kasuhan ng frustrated homicide sa QC Prosecutor’s Office si Rellosa. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BALER POLICE STATION

DORIS FRANCHE

EMETERIO RELLOSA

MICHAEL GONZALES

NEHEMIAH ST. JORDAN PLAINS SUBDIVISION

PAG

QUEZON CITY

RAUL PETRASANTA

SIOSON HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with