Masahista, inatado ng mga adik
March 6, 2005 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 38-anyos na masahista makaraang mapagtripan ng mga hinihinalang addict kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Ramon Peñaranda, ng 214 Camias St. Tondo, Maynila sanhi ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspect na pinaniniwalaang kilala ng biktima.
Sa ulat ni Det. Rodel Benitez ng WDP- Homicide division, dakong alas 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa hagdanan ng 222 C. P Garcia ng nasabi ding lugar.
Nabatid na maghahatid ng pagkain ang biktima sa kanyang kapatid sa ikatlong palapag ng nabanggit na gusali nang tawagin umano ito ng mga suspect.
Posible umanong pinagtripan ng mga addict at nanlaban naman ang biktima kung kayat tuluyan na itong pinatay sa saksak. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am