^

Metro

‘Pasaway’ na utol kinatay ni kuya

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang nakababatang kapatid matapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Claro Saragina, 44, ng #1603 Int. 8 F. Varona St. ng nasabing lugar at miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, samantalang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Wilfredo Saragina na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Det. Athos De Quiros ng homicide division ng WPD dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Pitong Gatang at Masagana St.

Kasalukuyan umanong nakikipagkuwentuhan ang biktima ng bigla na lamang dumating ang nakakatandang kapatid nito at pilit na pinapauwi sa bahay si Claro subalit tumanggi ito. Nag-ugat na rito ang mainitang pagtatalo.

Hindi rin napilit ng suspect ang biktima na umuwi kung kaya ang una ang umuwi sa kanilang bahay at kumuha ng patalim at saka binalikan ang utol.

Walang sabi-sabing inundayan nito ng limang saksak sa katawan ang kapatid at saka mabilis na tumakas.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

ATHOS DE QUIROS

CLARO SARAGINA

GEMMA AMARGO GARCIA

ISANG

KASALUKUYAN

PITONG GATANG

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

VARONA ST.

WILFREDO SARAGINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with