^

Metro

Pupil hinawahan ng 'tulo' ng bading

-
Isang bading ang hinahanting ngayon ng mga tauhan ng pulisya makaraang abusuhin nito ang isang grade V pupil na hinawahan pa ng una ng sakit na ‘tulo’.

Kinilala ang inireklamong suspect na si Renato Aben, ng Brgy. Sta. Cruz, lungsod ng Makati.

Samantala, ang biktima na itinago sa pangalan nitong Buboy, 13, ay sinamahan ng kanyang ama sa pulisya kahapon para magharap ng reklamo laban sa suspect.

Ayon sa reklamo, sinabi ng ama ng biktima na napansin nila na ilang linggo nang matamlay ang kanyang anak, nahihirapan itong umihi at idinadaing na masakit ang ari.

Lalo silang nabahala nang makita sa shorts ng bata ang bahid ng dugo at kulay dilaw na likido.

Agad nila itong dinala sa pagamutan at doon nadiskubreng may ‘tulo’ ang bata.

Dahil dito, naipagtapat ng bata na ilang beses siyang inabuso ng suspect na si Aben na nagsimula noong Disyembre hanggang nitong buwan ng Enero.

Pumayag ang paslit sa pangako ng suspect na bibigyan siya ng pera at damit subalit hindi naman umano ito tinupad ng suspect hanggang sa hindi na ito nagpakita sa kanya.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa pumugang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABEN

AYON

BRGY

BUBOY

CRUZ

DAHIL

DISYEMBRE

ISANG

LORDETH BONILLA

RENATO ABEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with