Sa resolusyon ni Dy, sinabi nito na mismong ang team na kinabibilangan ng National Epidemiology Center ng Dept. of Health Office ang nagsagawa ng inspeksyon sa Brgy. 123, Pasay City noong nakaraang buwan kung saan naitala ang 39 katao na may sintomas ng Typhoid fever.
Bago pa aniya magpatuloy ang pagkalat nang naturang sakit ay dapat gumawa na ng paraan ang gobyerno kung paano ito masusugpo.
Kung hindi aniya malilinis ang maruruming tubo ng tubig sa Metro Manila ay posibleng kumalat ang sakit sa iba pang lugar bukod sa Pasay.
Dapat din aniyang tutukan ang kalusugan ng mga bata na mahina pa ang immune system at posibleng maging biktima ng Typhoid fever at iba pang sakit na nanggagaling sa maruming tubig. (Ulat ni Malou Rongalerios)