^

Metro

Sisimula sa Abril: Mga bagong sasakyan 3 taon na ang rehistro

-
Mula sa darating na buwan ng Abril ng taong kasalukuyan sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) na makakolekta para sa tatlong taong halaga ng rehistro para sa lahat ng mga brand new motor vehicles.

Ito ang nakasaad sa Administrative Order 010-2005 na nilagdaan nina LTO Chief Anneli Lontoc at Transportation Secretary Leandro Mendoza, kasama sina Budget Secretary Emilia Boncodin at Finance Secretary Juanita Amatong.

Nakasaad sa naturang kautusan na layunin nito na maibsan ang pagod ng mga motorista, maiwasan ang fixing activities at makatipid sa gastusin sa pagpapagawa ng sticker na ang halaga ay umaabot sa P4 na milyon.

Kasama na rin sa bayarin sa tatlong taong rehistro ay ang Certificate of Conformity (COC) na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources at ang Compulsary Third Party Liability insurance policy para sa tatlong taon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABRIL

ADMINISTRATIVE ORDER

BUDGET SECRETARY EMILIA BONCODIN

CERTIFICATE OF CONFORMITY

CHIEF ANNELI LONTOC

COMPULSARY THIRD PARTY LIABILITY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FINANCE SECRETARY JUANITA AMATONG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

TRANSPORTATION SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with