Sindikato ng counterfeit money,arestado
February 6, 2005 | 12:00am
Naaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng sindikato na gumagawa ng pekeng pera sa isang entrapment operation sa isang food chain sa Malate, Manila.
Sina Abubakar Baulo at Hamja Sahiduddin ay nadakip matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa paggawa at pagbebenta ng pekeng pera ibat ibang lugar sa Kamaynilaan.
Nabatid na nagsagawa ng test-buy ang Intelligence Special Operations Division kung saan nakabili ng tatlong pirasong $100 mula kay Baulo sa palitang P50/$1.
Agad na nagsagawa ng entrapment operation ang NBI kung saan isinagawa ito sa Grand Boulevard Hotel.
Ipinaeksamin ito ng NBI sa Bangko Sentral na lumitaw na peke ang naturang dolyar. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended