^

Metro

36 katao timbog ng PDEA

-
Umaabot sa 36 na katao ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kinabibilangan ng dalawang nasa watchlist sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa bansa.

Batay sa isinumiteng report ni PDEA Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr., ang dalawang nasa watchlist ay nakilalang sina Jabber Disommong Lawan na nakuhanan ng 100 gramo sa isinagawang buy-bust operation sa Lapu-Lapu City at Raul Duro Abenares na nakuhanan ng pitong sachet ng shabu sa kahabaan ng Kamagong St. Brgy. Sto. Niño, Pasay City.

Ayon sa report, ang mga nadakip ay pawang mga drug pusher at drug user na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad at nahulihan ng 187.0675 gramo ng shabu at 65.65 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng PDEA at PNP sa Region 11-1; Region III-6; Region VIII-4; Region XI-5; Region XIII-3; CAR-5 at NCR noong Enero 28, 29 at 30.

Ang mga suspect ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BATAY

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ANSELMO AVENIDO JR.

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JABBER DISOMMONG LAWAN

KAMAGONG ST. BRGY

LAPU-LAPU CITY

PASAY CITY

RAUL DURO ABENARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with