Makina,pekenr VCD, DVD kinumpiska sa Quiapo
February 6, 2005 | 12:00am
Kinumpiska ng mga tauhan ng Western Metro Criminal Investigation and Detection Group ang daan-daang pekeng VCD at DVD at replicating machine na tinatayang nagkakahalaga ng P.5 milyon sa isinagawang pagsalakay kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Supt. Nelson Yabut dakong alas 5:30 ng umaga nang salakayin nila ang ikalawang palapag ng Alphahad Lodge sa Norzagaray St. sa kanto ng Bautista St. sa Quiapo matapos na magpalabas ng search warrant si Manila RTC Judge Felixberto Olalia sa nabanggit na lugar na pag-aari nina Mohamad Ali, Senia at Mohaimin Salo.
Kabilang sa mga kinumpiska ng mga awtoridad ay ang apat na VCD replicating machine; 43 piraso ng CD writer; 11 pakete ng malalaswang VCDs; isang kahon ng VCD cover labels na naglalaman ng 500 labels; dalawang kahon ng blankong CD; tatlong pirasong colored TV; anim na sakong VCD at CD at 23 kahon ng DVD.
Sinabi ni Yabut na ang pagsalakay ay bunsod na rin ng impormasyon na kanilang natanggap na nagsasagawa ng ilegal ang mga nasabing may-ari. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended