Ang nabanggit na bilang ayon kay LTO-NCR Director Rey Berroya ay nahuli sa loob ng isang buwang operasyon simula ng mag-umpisa siya sa tungkulin mula Enero hanggang Pebrero 3, 2005.
"Ang apprehensions na isinagawa ng aking tanggapan ay bilang pagtupad sa kampanya ng ahensiya laban sa mga colorum vehicles at iba pang non-moving traffic violations tulad ng paglabag sa seat belt law, out-of-line, cutting trip at di rehistradong sasakyan upang mabawasan ang problema sa mga lansangan at tuloy madagdagan ang income ng pamahalaan," pahayag ni Berroya.
Kaugnay nito, inihayag naman ni LTO Asst. Director Camilo Guarin na may 10 pulis ang kinuha ng kanilang tanggapan upang higit na mapagbuti ang paghuli sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Ayon pa kay Berroya, patuloy ang self-cleansing sa mga tauhan ng LTO sa National Capital Region upang maglaho ang katiwalian at mapabuti ng mga tauhan ang pagseserbisyo sa publiko. (Ulat ni Angie de la Cruz)