Negosyante dedo sa holdaper, 2 pa kritikal
February 5, 2005 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang holdapin ng tatlong armadong kalalakihan ang pag-aaring computer shop ng una sa Taguig City kahapon ng madaling araw.
Dead on arrival sa Cruz Rabe Hospital ang biktimang kinilalang si Alexto Trocio, 25 anyos, residente ng Quasay St., Zone 1, Brgy. Signal Village ng lungsod na ito matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Rizal Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Dionisia Trocio, 63 anyos, kamag-anak ng nasawing si Alexto at Ryan Oscar Macatugal, 16 taong gulang, estudyante, nakatira naman sa # 256 M. L. Quezon St., Brgy. Hagonoy, Taguig City.
Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ni Taguig City Chief of Police , Supt. Ramon Reyes, naganap ang insidente dakong alas - 12:45 ng madaling araw sa E-Channel Computer Shop na matatagpuan sa # 22 Quasay St., Zone 1, Brgy. Signal Village ng lungsod na ito.
Nabatid na bukas pa ang naturang computer shop at habang naglalaro ang ilang kabataan ay bigla itong pinasok ng mga armadong kalalakihan na agad nagdeklara ng holdap.
Akmang papalag ang may-aring si Alexto subalit agad itong pinagbabaril ng mga suspect na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest