^

Metro

Pinutulan ng kuryente,lalaki nagbigti

-
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 55-anyos na lalaki makaraang hindi ito makabayad sa pinutol na kuryente ng kanilang tinutuluyang bahay, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Mission Hospital ang biktimang si Henry Noveno, bus inspector ng Brgy. Napico ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, natagpuan ang nakabigting biktima sa loob ng kanilang bahay dakong alas-2:45 ng hapon ng kanyang kapitbahay na nakilalang si Celeste Carmelo.

Una rito, nakita ni Carmelo ang nasawi na kinuha ang kadena ng kanilang aso at mabilis na pumasok ng kanilang bahay. Ikinabahala ito ng una kaya makalipas ang ilang minuto ay sinilip nito ang bahay ng biktima.

Laking gulat nito nang makitang nakabigti si Noveno sa sala ng bahay gamit ang kadena ng aso.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naputulan ng kuryente ang bahay ng nasawi nitong nakaraang buwan at labis nitong prinoblema kung paano ito mababayaran.

Malaki ang hinala ng pulisya na labis na naguluhan ang isip ni Noveno dahil dito kaya naisipan nitong magpakamatay. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BAHAY

BRGY

CARMELO

CELESTE CARMELO

EDWIN BALASA

HENRY NOVENO

IKINABAHALA

MISSION HOSPITAL

NOVENO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with