^

Metro

Atenista hulog mula sa 24th floor ng condo, patay

-
Nasawi ang isang estudyante ng Ateneo de Manila University matapos itong mawalan ng balanse at mahulog mula sa veranda ng ika-24 na palapag ng isang condominium, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Xavier Yu, 2nd year AB Political Science student at naninirahan sa No. 2 M. Reyes St., Xavierville Subdivision, Loyola Heights ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Ernesto Fabre ng CPD-Criminal Investigation Division (CID), dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Upper Penthouse B. Burgundy Building sa may Katipunan Avenue, Quezon City.

Nabatid na nagpunta ang biktima sa nasabing condo unit na pag-aari ng isang Harold Lu upang mag-aral kasama ang ilan pang kaklase.

Ngunit makaraan ang ilang sandali ay lumabas ang biktima at nagtungo sa railings ng veranda ngunit nawalan umano ito ng balanse at nahulog.

Napag-alaman na bumagsak umano si Yu sa katabing condominium na Prince David na hanggang 19 na palapag.

Samantala, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid kung may naganap na ‘foul play’ sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BURGUNDY BUILDING

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

ERNESTO FABRE

HAROLD LU

KATIPUNAN AVENUE

LOYOLA HEIGHTS

MANILA UNIVERSITY

POLITICAL SCIENCE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with