^

Metro

Anti-illegal drugs agent, nilikida

-
Pinagbabaril at napatay ang isang civilian agent ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.

Namatay noon din ang biktimang si Armando Magues, sinasabing civilian agent ng ARMM na nakatalaga sa Regional Anti-Illegal Drug Special Unit sanhi ng natamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa ulat, naganap ang pamamaril dakong alas-5:30 ng umaga sa harap ng Waray-Waray Restaurant sa Pier 12 Sulpicio Lines, North Harbor ng naturang lungsod.

Ayon sa salaysay ng saksing si Lydia Gultiano, 42, caretaker sa Waray-Waray Restaurant na bago naganap ang krimen ay nagpa-load pa sa kanya ang biktima saka bumalik malapit sa gate ng Pier 12 kasama ang isang babae.

Habang tumatawag ang biktima sa kanyang cellphone ay bigla itong nilapitan ng suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Matapos matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspect, habang ang kasamang babae ng una ay mabilis ding umalis.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa biktima at kung sino ang posibleng pumaslang dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

ARMANDO MAGUES

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

AYON

DRUG SPECIAL UNIT

GEMMA AMARGO

HABANG

LYDIA GULTIANO

NORTH HARBOR

SULPICIO LINES

WARAY-WARAY RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with