^

Metro

Batang lalaki todas sa sunog

-
Namatay ang isang 10 anyos na batang lalaki matapos na makulong ng apoy sa isa sa tatlong insidente ng sunog na sumalubong sa pagsapit ng Bagong Taon sa Quezon City.

Ang biktima ay nakilalang si Nicko Diaz na namatay sa sunog sa Bagong Barrio, Crame, Quezon City bandang alas-5:28 ng umaga kahapon.

Nabatid na nakulong ng apoy ang bata matapos itong maiwan ng kanyang nagsipag-panic na kasambahay.

Base sa imbestigasyon, tinatayang 70 kabahayan ang natupok sa naturang sunog na hinihinalang sanhi ng depektibong Christmas light na naiwang nakasindi na nag-init hanggang sa lumikha ng apoy.

Kaugnay nito, dalawang sunog pa ang naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.

Isa rito ay naganap bandang alas-8:35 ng gabi sa K-8 Kamuning, ng lungsod bandang alas-11:05 ng gabi kamakalawa.

Samantalang bandang ala-1:57 naman ng madaling- araw kahapon ng maitala ang sunog sa Marunong St., Teacher’s Village, dakong alas -2:05 naman ng madaling-araw na kaagad ding naapula. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BAGONG TAON

CRAME

ISA

JOY CANTOS

KAMUNING

KAUGNAY

MARUNONG ST.

NICKO DIAZ

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with