^

Metro

4 sugatan sa Cubao explosion

-
Apat katao ang nasugatan matapos ang isang malakas na pagsabog sa harapan ng isang bangko sa Cubao, Quezon City nitong Biyernes, sa mismong bisperas ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni P/Supt. Benigno Durana, Commander ng Cubao Police Station, naganap ang pagsabog sa harapan ng sangay ng Prudential Bank sa kahabaan ng EDSA sa panulukan ng Aurora Boulevard, Cubao ng nasabing lungsod bandang alas-7 ng gabi.

Ayon kay Durana, ang apat na biktima kabilang ang dalawang sina Joy Lachicha, 23-anyos at Lorenzo Reyes Jr. na nagtamo ng sugat sa katawan ay idineklara ng nasa ligtas na kalagayan at nilalapatan pa ng lunas sa East Avenue Medical Center.

Sinabi ni Durana na kasalukuyan pa nilang dinedetermina kung ang pagsabog ay gawa ng improvised na bomba o ng isang malakas na uri ng paputok na lumikha ng pagkawasak ng bintanang salamin at pintuan ng nasabing bangko.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Edgar Aglipay na pinaiimbestigahan na niya sa mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division (EOD) ang kasong ito.

"Hinahanap nila yung mga fragments tulad ng battery at blasting cap," pahayag ni Aglipay.

Kaugnay nito, sa gitna na rin ng naganap na pagsabog, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/ Director Avelino Razon Jr. na dodoblehin pa niya ang deployment ng mga pulis sa mga pangunahing lugar sa Metro Manila. (Ulat ni Joy Cantos)

AURORA BOULEVARD

BAGONG TAON

BENIGNO DURANA

CHIEF P

CUBAO

CUBAO POLICE STATION

DIRECTOR AVELINO RAZON JR.

DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DURANA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with