^

Metro

2 anak kinatay ni tatay, 1 nilagay sa ref

-
Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang 27-anyos na ama matapos patayin sa saksak ang dalawa nitong anak nang hindi tuparin ng kanyang live-in partner ang pangakong makikipagbalikan sa kanya para sama-sama nilang salubungin ang Bagong Taon sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Ang mga biktima na nagtamo ng tig-tatlong saksak sa katawan ay nakilalang sina John Michael Sanchez de Leon, 6, natagpuan ang bangkay sa loob ng refrigerator at kapatid nitong si Joshua, 5. Narekober naman ang bangkay sa ikalawang palapag ng bahay at sinuwerte namang hindi ginalaw ang kanilang bunsong kapatid na si Maica , 3; pawang residente ng Bernardo Compound, Caliwag St., Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Jaime Fily de Leon, ama ng mga biktima.

Sa report, natagpuan ang bangkay ng mga biktima ng kanilang lola na nakilalang si Amor de Leon dakong alas-3 ng madaling-araw.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkahiwalay ang suspect at kaniyang live-in partner na si Alpha Sanchez, promo girl ng isang mall sa Makati City at ina ng mga bata subali’t noong Disyembre 15 ay nakipagkasundo ang babae sa suspect na babalik na sa kanilang mag-aama sa Disyembre 31 upang sama-sama silang magdiwang ng Bagong Taon.

Pinaniniwalaan namang masyado ang pagka-desperado ng suspect ng hindi sumipot ang live -in partner kaya nagdilim ang isip at pinatay ang dalawang anak.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang naganap na krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ALPHA SANCHEZ

BAGONG TAON

BERNARDO COMPOUND

CALIWAG ST.

DISYEMBRE

EDWIN BALASA

JAIME FILY

JOHN MICHAEL SANCHEZ

MAKATI CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with