^

Metro

Matapos matagpuan ang isang C-4 bomb NCRPO nasa red alert status

-
Nasa red alert status ngayon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) matapos na madiskubre ang isang bomba sa loob ng bus kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay NCRPO chief Director Avelino Razon. Jr. kailangan niyang ilagay sa red alert status ang kanyang kapulisan dahil maraming tao ang nasa lansangan kaugnay ng holiday season.

Bagama’t nagkasundo ng ceasefire ang pamahalaan at mga rebelde hindi dapat na balewalain ang pag-atake naman ng iba pang sindikato.

Sinabi ni Razon na hindi na dapat pang maulit ang nangyaring Rizal Day bombing na ikinamatay at ikinasugat ng maraming sibilyan noong Disyembre 30, 2002.

Aniya, hindi umano biro ang pagkakadiskubre ng C-4 bomb dakong alas 7:45 sa G-Liner bus noong Biyernes ng gabi. Posible na naman itong kumitil ng buhay kung hindi agad na-defuss ng mga awtoridad.

Dahil sa wala pang linaw kung sino ang responsable sa paglalagay ng bomba sa nasabing bus, sinabi ni Razon na kailangan na maging alerto ang buong MM police dahil ginugunita ngayon ng New People’s Army (NPA) ang kanilang ika 36 taong anibersaryo.

Pinadoble din ni Razon ang pagbabantay sa mga vital installations sa Kalakhang Maynila partikular na ang mga oil companies at embassy na naging target ng mga pinaniniwalaang rebelde kamakailan. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

BAGAMA

DIRECTOR AVELINO RAZON

DORIS FRANCHE

KALAKHANG MAYNILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NEW PEOPLE

RAZON

RIZAL DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with