Lasing nag-amok, todas
December 20, 2004 | 12:00am
Patay ang isang 46-anyos na lalaki na nag-amok makaraang pagtulungan ng mga nag-iinumang kapitbahay kahapon ng madaling araw sa Marikina City.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Amador Tenorio, karpitero at residente ng Nawasa Compound, Provident Village, Brgy. Tanong ng naturan ding lungsod.
Naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa nasabing compound habang nag-iinuman ang limang kalalakihan sa nasabing lugar.
Lumabas ang biktima na lasing na may dalang karit at nagwawala na ikinagulat ng mga nag-iinumang kapitbahay.
Dala ng takot na makasakit ng ibang tao, pinagtulungan itong paluin ng silya hanggang sa matumba.
Iginiit ng mga kapitbahay ng biktima na madalas itong nag-aamok subalit agad ding naaawat.
Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad kung sasampahan ng kaso ang limang kapitbahay ng biktima nang sabihin ng mga ito na ipinagtanggol lamang nila ang kanilang mga sarili mula sa nag-aamok. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended