^

Metro

2 suspect sa pagpatay sa apo ni Dolphy, arestado

-
Naaresto na ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang dalawang suspect na umano’y responsable sa pagpaslang sa apo ni Comedy King Dolphy habang pinaghahanap pa ang tatlo nitong kasamahan sa Quezon City.

Iniharap sa media ni CPD Director Sr. Supt. Nicasio Radovan, Jr. ang mga suspect na sina Jerome Flores y Alonte at Argel Magdarado y Guevarra kapwa 18 anyos makaraang mahuli sa kanilang hideout sa isinagawang follow-up operation sa Tagaytay St. ng nasabing lungsod.

Ayon kay Radovan ang pagkakadakip sa dalawang suspect ay bunsod na rin ng mga testimonyang ibinigay ng mga testigo sa naganap na pamamaril kay Jelom Carlo Quizon, 14 at mga kasamang sina Gener Balangkit, 17 at Angelo Abangan, 18, sa panulukan ng Malindang at A. Bonifacion Ave. Brgy. NS Amoranto, Q.C. matapos na magsimbang gabi.

Si Quizon na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ay nasawi habang isinusugod sa Chinese Medical Hospital habang ginagamot naman ang dalawang kasama nito.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang True Brown Style (TBS) gang ng mga suspect at ang Temple Street Trese (TST) ng mga biktima.

Dakong alas-5:15 ng umaga noong Sabado nang magkrus ang landas ng dalawang grupo at magkainitan hanggang sa humantong sa pamamaril. Lumilitaw din na isa pang apo ni Dolphy na si Mico Quizon ay miyembro ng TBS.

Kaugnay nito, hiniling ng mga naarestong suspect kay Mico na lumutang at sabihin ang katotohanan na wala silang kinalaman sa insidente. (Doris Franche)

ANGELO ABANGAN

ARGEL MAGDARADO

BONIFACION AVE

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHINESE MEDICAL HOSPITAL

COMEDY KING DOLPHY

DIRECTOR SR. SUPT

DORIS FRANCHE

GENER BALANGKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with