^

Metro

2 drug pusher timbog sa buy-bust

-
Naaresto ng mga kagawad ng Central Police District-Baler Station ang dalawang notoryus na drug pushers sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng pulisya ang mga suspect na sina Rosario Fenellere y Gali alyas Rose, 38, tubong Gandara, Samar at naninirahan sa South Homes Apartelle sa 19 Timog Ave. Q.C. at Tasul Kamlon y Kashu alyas Tas, 27, tubong-Jolo, Sulu ng 117 Mojohuden St. Brgy. Culiat ng nasabi ding lungsod.

Ayon kay Petrasanta, nakatanggap sila ng report na nagsasagawa ng operasyon ang dalawang suspect sa iba’t ibang lugar sa lungsod kung kaya’t agad siyang bumuo ng tracking team na pinamumunuan ni Chief Insp. David Allauigan.

Dakong alas-9 ng gabi noong Huwebes ng isagawa ang buy-bust operation sa bahay mismo ni Fenellere.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang sa aktong nagbabayaran agad ay inaresto sina Fenellere at Kashu. Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Art. 11. Sec. 5 ng RA 9165 sa Quezon City Prosecutors Office. (Ulat ni Doris Franche)

CENTRAL POLICE DISTRICT-BALER STATION

CHIEF INSP

DAVID ALLAUIGAN

DORIS FRANCHE

FENELLERE

KASHU

MOJOHUDEN ST. BRGY

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

RAUL PETRASANTA

ROSARIO FENELLERE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with