^

Metro

Nagpatakas ng inmate: Jailguard sibak sa serbisyo

-
Malaki ang posibilidad na matanggal sa serbisyo ang isang jailguard ng Makati City Jail (MCJ), matapos na umano’y patakasin nito ang isang inmate na akusado sa kasong Illegal Recruitment at Large Scale Estafa sa iba’t ibang korte sa Metro Manila.

Batay sa report na natanggap ni Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR), lumilitaw na lumabag sa kanilang regulasyon si JO2 Agustino Baluran nakatalaga sa Escort Branch ng MCJ ng hindi nito agad ibinalik sa kulungan si Nelly Go y Sapio, 44 ng 30 Peligeat St. Voohai / B26 L120 Kaunlaran Village, Novaliches, Quezon City.

Nabatid na dakong alas-9 ng umaga ng Disyembre 16 nang dalhin ni Baluran si Go sa korte para sa pagdinig ng mga kasong IR at Estafa. Subalit pagdating sa korte, lumilitaw na ipinagpaliban ang pagdinig ng kaso.

Napag-alaman sa report na hiniling ni Go kay Baluran na huwag muna siyang ibalik sa jail at sa halip ay ihatid siya sa Aristocrat sa Malate, Manila dahil sa may kakausapin siyang mga tao na nakilala lamang sa mga pangalang Mr. So at Mrs. Lydia Genote.

Sinunod naman ni Baluran ang sinabi ni Go. Subalit ito ang ginawang pagkakataon ni Go upang makatakas.

Ayon sa record, si Go ay may mga kasong IR at Estafa na nakasampa sa Manila, Makati at Pasay Regional Trial Court.

Sa inilabas namang report ni Sr. Insp. Silas Laurio, Jr. hepe ng Operation Division ng Makati City Jail, agad niyang pinadisarmahan si Baluran habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban dito.

Sinisiyasat din nila ang posibilidad na nasuhulan si Baluran kung kaya’t pinagbigyan niya si Go na magtungo sa naturang restaurant.

Si Go ay pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng BJMP-MCJ. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AGUSTINO BALURAN

BALURAN

DORIS FRANCHE

ESCORT BRANCH

ILLEGAL RECRUITMENT

KAUNLARAN VILLAGE

LARGE SCALE ESTAFA

MAKATI CITY JAIL

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with