Fetus sa bote ng softdrinks
December 12, 2004 | 12:00am
Isang lalaking fetus ang natagpuan ng mga awtoridad na nakalagay sa bote ng softdrinks sa loob ng comfort room ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1kahapon ng hapon.
Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-2:30 ng hapon nang makita ni Elsa Abello, janitor ng MIAA ang fetus na kasing laki ng palad.
Nabatid na hinati ng hindi pa nakikilalang babae ang bote ng softdrinks upang mailagay ang fetus at saka nilagyan ng alcohol upang hindi umamoy at packaging tape upang takpan.
Una rito, nakita ni Abello ang isang babae na nagmamadaling lumabas ng CR at sumakay ng eroplano ng Singapore Airlines flight SQ-073 dakong ala-1:30 ng hapon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may iniwang fetus sa loob ng CR ng NAIA terminal. (Sandy Araneta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest