Titser napisak, 1 pa kritikal
December 12, 2004 | 12:00am
Namatay ang isang guro habang ginagamot naman ang isa pa makaraang magbanggaan ang dalawang jeep kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Aurora de Guzman, 55, ng #56 Magat Salamat, Project 4, samantalang nilalapatan naman ng lunas sa St. Lukes Medical Center si Agapito Maranga, 64, ng #15 Tendido St. San Jose ng nasabi ding lungsod.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury ang mga driver na sina Freddie Petallio, 40, ng #635 Guyabano St. Pasig City at Roger Balusan, 25, ng #740 E. Rodriguez Sr. Blvd. Q
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jessie Flores ng Traffic Sector 8, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa panulukan ng E. Rodriguez Blvd. at New York.
Papatawid ang isang Fuzo jeepney na may plakang DBJ-553 ni Petallio nang makabangga nito ang pampasaherong jeep ni Balusan na may plakang TWJ-870.
Sa lakas ng banggaan, umikot nang pabaligtad ang jeep ni Balusan na naging dahilan ng pagkakaipit at pagkamatay ni de Guzman.
Hindi din nakontrol ni Petallio ang kanyang sasakyan kung kayat tinamaan si Maranga na nooy naghihintay ng masasakyan sa bangketa.
Kamakalawa ay siyam katao rin ang naiulat na sugatan na kinabibilangan ng mga bata nang tatlong sasakyan ang nagbanggaan din sa nasabing lungsod.
Dahil dito, nanawagan ang mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho lalo sa panahon ngayon dahil maraming tao ang nasa lansangan na nagtutungo sa ibat ibang lugar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended