'Anti-hoodlum Task Force' binuo
December 5, 2004 | 12:00am
Naglunsad ng isang special unit na Anti-Hoodlum Task Force ang Pasay City Police para tutukan at dakpin ang mga snatcher at holdaper na bumibiktima sa EDSA, Magallanes Interchange hanggang Roxas Boulevard.
Nabatid na binuo ang Anti-Hoodlum Task Force matapos na rumehistro ang mataas na bilang ng krimen na nagaganap sa nasabing lugar at kadalasan na biktima rito ay mga passers-by, commuters at ilang negosyante.
Napag-alaman na nakipag-coordinate si Councilor Onie Bayona sa pulisya makaraang mag-concentrate lamang ang mga ito sa EDSA, Rotonda area, gayong abot hanggang Magallanes Interchange at Roxas Blvd. ang nasasakupan ng masasamang elemento.
Inihalimbawa ni Bayona ang isang insidente kung saan nabiktima at napatay ang isang editor ng Today na si Jose Luis Villanueva matapos na saksakin sa loob ng pampasaherong bus nang tumanggi itong ibigay ang kanyang cellphone sa mga holdaper.
Kamuntik namang napatay ang pulis na si PO3 Edgar Muscosa, motorcycle operative matapos itong barilin ng inarestong holdaper. Halos isang buwan nang naka-confine sa ospital si Muscosa sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib at lalamunan nito.
Matapos na pag-aralan ni Bayona ang pag-usbong ng krimen sa nasabing lugar, hinikayat nito ang mga residente na maging alerto at makipag-ugnayan sa Pasay Police para sa agarang ikadarakip ng mga snatcher at holdaper.
Ang naturang kampanya laban sa krimen ay suportado ni Pasay City Mayor Wenceslao Peewee Trinidad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended