^

Metro

Atong Ang magpa-Paskong kulungan sa 'Pinas?

-
Nagpahayag ng paniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) director Reynaldo Wycoco na posibleng mag-Pasko sa kulungan si Charlie "Atong " Ang kung matuloy ang pagbabalik nito sa bansa.

Ayon kay Wycoco, may desisyon na ang Nevada District Court na maari nang ma-extradite para makabalik ng bansa ang dating consultant ng PAGCOR at kaibigan ni dating Pangulong Joseph Estrada na kasama rin sa kinasuhan ng plunder case sa Special Division ng Sandigang Bayan.

Matatandaan na tiniyak ni US Legal Attache Jeff Cole sa Department of Justice (DOJ) na magiging mabilis ang proseso sa pagbabalik kay Ang lalo pa’t kumbinsido umano ang US District Court ng Nevada na may sapat na batayan upang i-extradite si Ang.

Idinagdag pa ni Wycoco na bagama’t binigyan pa ng ilang araw para mag-apela si Ang sa kanyang kaso posible umano i-deny ng Nevada District Court ang inihaing motion ni Ang at dahil dito ay inaasahan na ang mabilis na pagbabalik nito sa bansa. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISTRICT COURT

GEMMA AMARGO

LEGAL ATTACHE JEFF COLE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEVADA DISTRICT COURT

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

REYNALDO WYCOCO

SANDIGANG BAYAN

SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with