^

Metro

NBI agents kakasuhan sa illegal raid

-
Sasampahan ng kaso sa Lunes ang ilang kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) at ang isang legislative staff ng Kongreso ng ilang opisyal ng homeowners association ng isang subdibisyon, dahil sa umano’y ilegal na pagsalakay nila sa inakalang shabu laboratory noong nakalipas na Biyernes sa Parañaque City.

Kinilala ang namuno sa naturang ilegal na raid na si Supervising Agent Arnel P. Dalumpines, nakatalaga sa Interpol ng NBI.

Kasama rin sa nakatakdang kasuhan ay si Mari Abbu, 40, legislative staff II ng Kongreso dahil sa maling pagbibigay ng impormasyon sa NBI.

Isa sa tatayong complainant ay si Arnel Gacutan, Pangulo ng Multinational Homeowners Association na matatagpuan sa Multinational Village sa Brgy. Moonwalk sa nabanggit na lungsod at ang kanilang Pangalawang pangulo na si Albert Araneta.

Nabatid sa Parañaque Police na ilegal ang isinagawang operasyon ng grupo ng NBI sa naturang subdibisyon, dahil ang kanilang sinalakay ay isang bodega at hindi shabu laboratory na gayang palabasin ng mga ito.

Naka-safe keeping lamang sa naturang bodega ang ilang equipment na kanilang nakumpiska noong nakalipas na Disyembre sa pag-aakalang gamit sa paggawa ng shabu. Ito umano ay gamit sa paggawa ng lambanog.

Dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya ibinasura ng Korte ang kaso at ipinabalik sa may-ari ang mga sinamsam na kagamitan.

Dahil sa hindi na natagpuan ang may-ari kung kaya ipina-safe keeping ng pulisya ang mga kagamitan sa pamunuan ng subdivision at inilagay sa bodega.

Dahil nga sa ilegal na operasyon kung kaya nagkaroon ng iringan ang mga tauhan ng pulisya at ng NBI. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERT ARANETA

ARNEL GACUTAN

DAHIL

KONGRESO

LORDETH BONILLA

MARI ABBU

MULTINATIONAL HOMEOWNERS ASSOCIATION

MULTINATIONAL VILLAGE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SUPERVISING AGENT ARNEL P

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with