^

Metro

Sabungero inutas sa tupadahan

-
Isang sabungero ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng isang tupadahan kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Alfredo Graspela, 54, ng 303 Sandico St., Tondo matapos na barilin ng dalawang ulit ng .45 baril ng suspect na mabilis na tumakas.

Batay sa report ni PO2 Loreto Quejada ng WPD-Homicide Division, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang tupadahan sa panulukan ng Morga Ext. at Sto. Niño St. ng nasabing lugar.

Nabatid na hawak ng biktima ang isang manok na kanyang ilalaban nang bigla itong lapitan ng isang lalaki na may taas na 5’5’’ hanggang 5’7’’, nasa edad na 40 hanggang 45 at nakaitim na jacket at pinaputukan ng dalawang ulit.

Kaswal na lumabas ng tupadahan ang suspect at sumakay ng isang tricycle.

Posible umanong may atraso ang biktima kung kaya’t ginantihan ito ng suspect. (Gemma Amargo)

vuukle comment

ALFREDO GRASPELA

BATAY

GEMMA AMARGO

HOMICIDE DIVISION

ISANG

KASWAL

LORETO QUEJADA

MAYNILA

MORGA EXT

SANDICO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with