Estudyante nagbaril
November 7, 2004 | 12:00am
Palaisipan sa mga awtoridad ang pagpapakamatay ng isang estudyante matapos itong matagpuang may dalawang tama ng bala ng baril sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Si John Paul Cox, 21, ng 14-A Yanga St. Brgy. Maysilo ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril na .22 caliber sa ulo.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas 2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng bahay nito.
Ayon sa katulong ng biktima na si Sam Montivez, 15, nasa baba siya ng bahay nang makarinig siya ng putok ng baril subalit hindi niya agad ito pinuntahan dahil na rin sa pagkataranta at takot.
Hinintay muna niyang dumating ang tiyahin ng biktima na si Cynthia Yanga-Macaranas at saka niya sinabi ang narinig na putok.
Tinungo nila ang kuwarto ni Cox at nakita nilang naliligo na ito sa kanyang sariling dugo habang nakalagay sa ibabaw ng tiyan nito ang cellphone at baril na ginamit.
Nabatid na nakalagay sa cellphone ng biktima ang mga katagang masyado na akong pabigat, dapat mamatay na ako, sa inyong lahat mahal na mahal ko kayo.
Sinabi ng pamilya ng biktima na noong Agosto ay nagbigti din ang biktima subalit agad na naagapan matapos umanong iwan ng kanyang kasintahan.
Subalit ayon sa pulisya, sisiyasatin pa rin nila ang insidente dahil nakakaduda umano ang pagkakatagpo ng baril sa ibabaw ng tiyan nito at ang dalawang tama ng baril sa ulo.
Imposible umanong maiputok pa ng biktima sa ikalawang pagkakataon ang baril samantalang may tama na ito sa ulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended