Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Lucila Dela Peña, ng 5 Camachille St., Purok 4, Brgy. Lower Bicutan ng bayang ito sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Hindi pa batid ng pulisya kung ilang buwan na ang nasa sinapupunan ng biktima na nadamay din sa insidente.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga sa 34 Barracks St., Brgy. Maharlika Village, Taguig.
Nabatid na walang pakundangang pinagbabaril ang naturang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen, kasabay ng pagtugis sa suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)