Imbestigasyon sa 'Martinez slay', lumalabo
October 31, 2004 | 12:00am
Aminado ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala silang hawak na matibay na ebidensiya kung kaya wala silang mahuling mastermind sa pagpatay kay Supt. Manolo Martinez sa tabi mismo ng Station 8 ng WPD sa Sta. Mesa, Manila.
Ayon kay NCRPO chief Director Avelino Razon, hindi sapat ang kanilang hawak na ebidensiya kung kaya bagamat tukoy na nila ang utak sa pagpaslang kay Martinez ay hindi pa nila ito madampot.
Una nang inaresto ng mga awtoridad si Jun Felizardo na umanoy responsable sa pamamaslang kay Martinez noong Oktubre 18.
Sinabi pa ni Razon na patuloy ang kanilang follow-up operation at nagtutulung-tulong na ang lahat ng yunit ng WPD at iba pang grupo sa PNP para kumalap ng matitibay na ebidensiya sa kaso.
Mayroon na umano silang mga lead sa imbestigasyon subalit hinihintay pa nila ang bunga ng kanilang report.
Inamin din ni Razon na mahirap tukuyin ang utak sa naturang insidente kung saan hindi lang isang anggulo ang kanilang tinitingnan.(Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 25, 2024 - 12:00am