Seguridad sa 'Undas' tiniyak
October 24, 2004 | 12:00am
Handang handa na ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para matiyak ang kaayusan at katahimikan ng paggunita ng bansa para sa nalalapit na "Araw ng Patay".
Sinabi ni PNP-NCRPO director Avelino Razon, upang matiyak ang kaayusan ng okasyon, nakipag-kapit bisig din ang kanilang tanggapan sa mga radio community group, mga tanod, puwersa ng police auxilliary at security guards, gayundin sa iba pang civilian volunteer organization.
Pinatindi anya ang gagawing pagbabantay ng mga tauhan sa ibat-ibang area of responsibility laban sa terorismo at iba pang criminal elements dahilan sa sumasabay anya ang mga ito sa pagsalakay lalo nat nakapokus ang atensyon at gawain ng marami sa mga sementeryo.
Hinikayat din ni Razon ang publiko na seguruhing maingatan ang kanilang mga bahay at kagamitan at huwag bigyan nang pagkakataong sumalakay ang masasamang elementong kriminal. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended