^

Metro

PNP blangko pa rin sa nasamsam na mga pampasabog at mga bala

-
Nananatiling tikom ang bibig ng Central Police District Command (CPDC) patungkol sa maaaring pinagmulan ng nasamsam na cache ng military explosive at mga bala na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City, kamakalawa.

Tanging ang pahayag ni CPD director Senior Supt. Nicasio Radovan ay nananatiling iniimbestigahan ang insidente.

Gayunman, sinabi nito na ipinag-utos na niya sa kanyang mga tauhan na alamin kung ang mga nakuhang eksplosibo at iba’t ibang uri ng bala para sa matataas na uri ng baril ay buhat sa military arsenal.

Wala pa naman daw malinaw na ulat kung ang mga nasamsam na pampasabog at mga bala ay intensyong gamitin ng mga terorista o ng ibang grupo laban sa pamahalaan.

Hindi pa rin mabatid ng pulisya kung sinong grupo ang may pakana o nagmamay-ari sa mga nasamsam.

Tiwala naman ang CPD na wala itong kinalaman sa anumang destabilization plot laban sa pamahalaan.

Magugunitang ang mga pampasabog at mga bala na nakalagay sa kulay asul na cardboard box ay sinasabing iniwan ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan sa may bakanteng lote sa Sampaguita Avenue sa panulukan ng Cerillo St. sa Brgy. Holy Spirit sa nabanggit na lungsod.

Kabilang sa mga nasamsam ay ang 10 kahon ng composition 4 (C4), block demolition charge M112, 360 pieces ng M15 rifle bullets at 560 bala ng cal .30 machine gun. (Ulat ni Mike Frialde)

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT COMMAND

CERILLO ST.

HOLY SPIRIT

MIKE FRIALDE

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY

SAMPAGUITA AVENUE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with