High school student kritikal sa tanod
October 17, 2004 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 3rd yr. high school student makaraang tamaan ng ligaw na bala ng isang tanod na hiningan ng tulong ng una kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Inoobserbahan sa Valenzuela City General Hospital si Ralph Rusiana, 16, ng #466 Bagong Nayon, Brgy. Bagbaguin, Valenzuela matapos na magtamo ng tama ng bala ng .45 baril sa tiyan habang tinutugis naman ang suspect na si Ronnie Columna, 35, ng #1442 Santol St. Bisalao, Bagbaguin at isa sa mga tanod ni Barangay Chairman Freddie Avergas.
Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang kumakain ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa isang karinderya sa Brgy. Bagbaguin.
Inasar umano ng isang grupo ang biktima kung kayat tinungo ng huli ang grupo hanggang sa magsimula ang gulo at tiyempong napadaan si Columna.
Humingi ng tulong si Rusiana kay Columna na agad na lumapit at bumunot ng baril at nagpaputok na naging dahilan upang magpulasan ang mga nagrarambol at humandusay naman si Rusiana hanggang maligo sa sariling dugo.
Matatandaan na nasawi noong Oktubre 7, 2004 ang estudyanteng si Marlon Matitu matapos na mabaril ng isa ring tanod sa Brgy. Parada, Valenzuela City. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended