Bading timbog sa pandurukot ng sanggol
October 14, 2004 | 12:00am
Arestado ang isang bading matapos nitong tangayin ang isang anim na buwang sanggol na pinaalagaan lamang sa kanya ng kanyang kapitbahay sa Quezon City.
Si Dante Medrano, 26, katulong at residente ng Asuncion St., Tondo, Manila ay kasalukuyang nakakulong sa Baler Police Station matapos na ipagharap ng reklamo.
Ayon kay Rose Arellana, 21, ina ng biktimang si Ana Rose na nagtungo sa kanilang bahay ang suspect at nakipagkuwentuhan.
Makaraan ang ilang sandali ay pansamantala muna niyang pinakarga at pinaalagaan dito ang anak dahil sa may kukunin lang siya sa labas ng bahay.
Subalit pagbalik nito ay hindi na niya dinatnan ang suspect maging ang kanyang anak.
Sa kanyang pagtatanong ay nalaman ng ginang na may kamag-anak ang suspect sa Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City at dito nga natunton si Medrano kasama ang sanggol.
Humingi ng tulong ang ginang sa pulisya at naaresto ang suspect, habang naibalik naman sa kanyang ina ang dinukot na bata. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest