^

Metro

Lalaki nadamay sa rambol, patay

-
Isang lalaki na napadaan lang sa nagrarambol na magkalabang fraternity ang nasawi matapos na tamaan ng bala ng sumpak, habang nasa kritikal namang kondisyon ang kanyang kasamahan, kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang nakilalang si Benjamin Cruz, 24, binata, samantalang sugatan naman si Manuel Fuentes, kapwa residente ng Onyx St, Paco, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi kamakalawa sa nabanggit na lugar. Nabatid na papauwi na buhat sa trabaho sina Cruz at Fuentes nang mapadaan sa pagitan ng dalawang grupo ng kabataan na nagrarambol.

Naipit umano ang dalawa sa pagbabatuhan at barilan ng sumpak ng mga gangster. Matapos ang rambol, naiwan na nakalugmok sa kalsada ang dalawang biktima na kapwa tinamaan ng bala ng sumpak sa katawan.

Nakikipag-ugnayan naman ang pulisya sa mga opisyal ng barangay para makilala ang mga kabataan na sangkot sa naganap na rambol at papanagutin sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BENJAMIN CRUZ

CRUZ

DANILO GARCIA

FUENTES

ISANG

MANUEL FUENTES

MATAPOS

MAYNILA

NABATID

ONYX ST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with