128 prangkisa ng mga FX taxi kinansela
October 13, 2004 | 12:00am
Kinansela kahapon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng may 128 Asian Utility Vehicles (AUVs) tulad ng FX Mega taxi, shuttle for hire at garage service dahil sa isinagawang rali noong nakalipas na Oktubre 6 sa harapan ng gusali ng ahensiya sa may East Avenue, Quezon City na naging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar.
Ang desisyon ay binasa ni LTFRB boardmember Felix Racadio na inaprubahan ni LTFRB Chairperson Ma. Elena Bautista sa ginanap na hearing sa LTFRB court room sa Quezon City.
Binigyang diin ni Bautista na may kabuuang 168 franchise holders na sumali sa rali ang kanilang sinubpoena at 40 lamang sa mga ito ang dumalo sa naturang hearing.
"Hindi dumating ang may 128 franchise holders na sumali sa rali kung kaya napilitan kaming kanselahin ang kanilang mga prangkisa," pahayag pa ni Bautista.
Sinabi pa ni Racadio na bibigyan nila ng kopya ang LTO, TMG at MMDA ng mga talaan ng mga nakanselahan ng prangkisa upang hulihin. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am